Mobile Legends: Bang Bang

 Forgot password?
 Register now.
View: 198|Reply: 0
Collapse the left

[Mod Post] Arena Patch Notes v95.1 - [Original Server] - Tagalog Version

[Copy link]
Post time 2021-8-31 10:37 PM | Show all posts |Read mode




Mga Mandirigma ng Land of Dawn! Ang Arena Mode ay bubuksan muli pagkatapos ng update na ito! Ang mode ay naka-iskedyul para buksan nang apat na linggo tuwing:
08/25/2021 00:00:00 - 09/23/2021 00:0000.

Huwag magdalawang isip na padalhan kami ng feedback para matulungan kaming pabutihin lalo ang mode!


Arena Mode Guide:

Sa Arena Mode, ikaw ay itatapat laban sa isang player sa isang 1v1 na labanan. Ang goal ay simple lamang: ang talunin ang Munting Kumander ng iyong kalaban bago niya talunin ang iyo. Para magawa ito, kakailanganin mong gumamit ng mga cards para magsummon ng Heroes at Monsters at gumamit ng spells para labanan ang troops ng iyong kalaban. Ang unang panig na matalo ang Munting Kumander ng kalaban ay mananalo sa match na ito.

Isang Shard ang lalabas sa bawat segundo, at ang bawat Monster/Spell cards ay nagkakahalaga ng mga bilang ng Shards. Ang resource para sa pag-summon ng Bayani ay tinatawag na Essence, na kung saan ito ay mahirap at matagal bago maipon. Natural na ang attributes ng mga Bayani ay mas mataas kumpara sa mga Monsters.

Ang countering relationship sa pagitan ng iba’t ibang card ay: Spell > Group Monsters, Group Monsters > Single Monster, Single Monster > Spell.

Maliban sa time restriction at line-up ng kalaban, ang taktika at swerte ay mahalaga din (random ang cards na ibibigay sa simula, kahit na ito ay lugi sa kalaban, atbp). Siguraduhin na subukan ito kung ikaw ay isang taga-hanga ng Magic Chess o RTS games!

Update Content:
1. [Scene]: Aming in-optimize ang graphics ng battle scene. Alam namin kung gaano nakakaapekto ang isang magandang graphics sa overall gaming experience nito, kaya binigyan namin ng full revamp ang mga nakaraang mapa.

2. [Card Unlocking]: Sa nagdaang bersyon, ang lower-ranked players ay maari lamang makakuha ng limitadong bilang ng cards mula sa Victory Chests o Summoning Orbs. Sa revamp na ito, aming tinanggal ang rank restriction nito upang magkaroon ng pagkakataon ang mga players na maranasan ang lahat ng cards sa pamamagitan ng paglahok lamang sa mode na ito!

3. [Card Function]: Aming pinalakas at in-optimize ang parte ng lumang cards (tulad ng, Sanctuary Lord, Iron Crab, Sharpclaw, Advanced Melee Soldier, Siege Machine, at Herald). Bukod dito, nagdagdag kami ng apat na bagong Legion monster cards!



Sign up now, Make more friends, Enjoy with more features, Let you easily Fun Community.

You have to Login for download or view attachment(s). No Account? Register

x
You have to log in before you can reply Login | Register now.

Points Rules

Mobile Phone Version|Dark Room|Mobile Legends: Bang Bang Official Forum

2021-12-3 10:15 PM GMT+8

Powered by Discuz! X3.4

© 2001-2013 Comsenz Inc.

Quick Reply To Top Return to the list