Mobile Legends: Bang Bang

 Forgot password?
 Register now.
View: 288|Reply: 0
Collapse the left

[Mod Post] Patch Notes 1.6.86 [Advanced Server] - Tagalog Version

[Copy link]
Post time 2022-5-28 11:21 PM | Show all posts |Read mode



Mula sa mga Designer

Ang Talent system ay nagbabalik sa Advanced Server na may optimized visuals at talent effects.

Sa test na ito, maari mong i-unlock ang mga talent gamit ang Talent Essence. Ang lahat ng Emblem Fragments at Magic Dust na nakuha mo ay macoconvert sa Talent Essence sa ratio na 1:1 sa test na ito. Amin ding inihanda ang isang eksklusibong event para sa Advanced Server para matulungan kang makakuha ng Talent Essence nang mas mabilis.

Dahil ang system ay dinedevelop pa at ino-optimize, pakitandaan na ang kasalukuyang content ay hindi nirerepresenta ang magiging final na kalidad nito. Ang ilang di natapos na section ay magkakaroon ng pansamantalang placeholder image.

Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring mag-refer sa New Feature section.

Patuloy naming io-optimize ang system na may maraming rounds ng tests bago ito ilabas sa Official Server. Ang kasalukuyang effect values ay maaring mabago.

Habang nasa testing process, aming ilalabas at tatanggalin ang Talent system o ire-reset ang system data sa bawat pagkakataon, habang ang Talent Essence na iyong nakuha ay hindi maapektuhan.

Ang ilan sa mga lumang emblem-related tasks at achievements ay pansamantalang available sa period na ito. Paumanhin sa abala.

Tulad ng dati, kami ay mag-aabang sa inyong mga komento at suhestiyon ukol sa system. Happy testing!




Ang mga sumusunod ay gumamit ng (↑) (↓) (~) para mag-indika ng Pagpapalakas, Pagpapahina, at Pagbabago.

[Revamped Vexana] (↓)
Kami ay tatanggap uli ng isang dagok sa pagpapahina ng late-game ni Vexana sa pamamagitan ng pagpapahina ng kaniyang damage habang ang kaniyang Undead Knight ay may kakayahang i-trigger ang on-hit effects.

[Skill 1] (↓)
Ang lawak ay bahagyang binawasan.

[Ultimate] (↓)
Base Damage: 200-400 + 100% Magic Power >> 400-600 + 80% Magic Power

Slash Damage: 250-450 + 130% Magic Power >> 250-450 + 100% Magic Power

Tinanggal ang whirling strike sa pagpasok. Ang mga kalaban ay maari nang gumamit ng blink/dash skills pagkatapos ng stun upang maiwasan ang unang atake ng Undead Knight.

Ang mga atake ng Undead Knight ay maari nang mag-trigger ng attack effects.

[Lunox] (~)
Experimental na Pagbabago: Aming gigisingin ang cosmic powers ni Lunox para matulungan siyang ma-counter ang high HP enemies sa tank meta.

[Skill 2] (~)
Damage Bonus: 130% Magic Power + 1.5%-3.5% Max HP ng Target >> (1.5-3.5 + 2.5% Magic Power)% Max HP ng Target

[Gord] (↑)
Aming bibibgyan ng enhanced Passive si Gord na may kasamang freshly optimized control experience, na magbibigay sa kaniya ng mas magandang mobility habang gumagamit ng skill.

[Passive] (↑)
Bagong Effect: Bukod sa pagdulot ng True Damage, ang atake ay pababagalin ang target ng 30% ng 1s.

[Skill 2] (~)
Pagitan ng Damage: 0.45s >> 0.3s

Damage: 80-155 + 20% Magic Power >> 70-120 + 16% Magic Power

[Ultimate] (~)
Pagitan ng Damage: 0.3s >> 0.2s

Damage: 220-350 + 50% Magic Power >> 150-250 + 33% Magic Power

Mga kalabang natamaan ay hindi na mapapabagal.

[Iba Pa]
Ang movement ni Gord ay hindi na napipigilan ng paggamit ng Skill 1 at 2.

[Xavier] (~)
Para tulungan si Xavier na malampasan ang kaniyang dependence sa Passive stacks, aming babawasan ang kaniyang extra damage habang unti-unting bibigyan ng spotlight ang kaniyang active skills. Ang kaniyang damage sa magkakaibang bilang ng stacks ay mananatiling pareho.

[Passive] (↓)
Extra Damage Kada Stack: 120-130% >> 110-120%

[Skill 1] (↑)
Damage: 300-550 + 120% Magic Power >> 325-600 + 130% Magic Power

[Skill 2] (↑)
Initial Damage: 100-200 + 50% Magic Power >> 110-210 + 55% Magic Power

Subsequent Damage: 200-400 + 100% Magic Power >> 220-420 + 108% Magic Power

[Ultimate] (↑)
Damage: 700-1100 + 150% Magic Power >> 750-1150 + 162% Magic Power

[Terizla] (↑)
Aming ia-apply muli ang nakaraang pagbabago kay Terizla sa pamamagitan ng pagdagdag ng kaniyang mobility at crowd control, aming aasahan na mas magagampanan niya ang mas mabigat na role sa mid-to-late game na labanan.

[Skill 1] (↑)
Dagdag Movement Speed: 25%-40% >> 25%-50%

[Skill 2] (↑)
Bagong Effect: Ang skill ay hindi na maaring mapigilan ng control effects (maliban sa Suppression).

Slow Effect: 15% >> 20%

[Skill 3] (↑)
Base Damage: 300-500 >> 300-600

Slow Effect: 40%-50% >> 45%-65%

Dinagdagan ang casting range at jump speed.

[Leomord] (↑)
Aming tutulungan si Leomord na makahakbang sa early game na may kaunting spring sa kaniyang hakbang.

[Passive] (↑)
Trigger Condition: 30% Max HP >> 35% Max HP

[Skill 1] (↑)
Cooldown: 7-4.5s >> 6-4.5s
Base Damage: 360-760 >> 500-800

[Floryn] ( ↑)
Aming ia-apply muli ang nakaraang pagbabago kay Floryn.

[Skill 1] (↑)
Bagong Effect: Ang Energy Seed ay pinapabagla na ang target sa pagtama ngayon.

[Skill 2] (↑)
Bagong Effect: Ang initial attack ngayon ay istu-stun ang target ng 0.2s sa pagtama.

[Nana] (↑)
Sa patch na ito, aming patuloy na susubukan ang mga pagbabago kay Nana. Habang ang kaniyang overall damage ay nadagdagan, nais naming bigyan ang mga kalaban ng espasyo para sa counterplay.

[Skill 1] (↑)
Damage flying speed ay dinagdagan.

[Skill 2] (~)
Ang casting speed ay dinagdagan; ang activation delay ay binawasan.

Ang standby duration at effective range ay binawasan.

[Ultimate] (↓)
Binawasan ang damage.






[Free Heroes]
8 Libreng Bayani: Oras ng Server 05/27/2022 05:01:00 hanggang 06/03/2022 05:00:00 (Oras ng Server)
Barats, Hylos, Kadita, Phoveus, Popol and Kupa, Aulus, Chou, Atlas

6 Ekstra Starlight Member na Bayani
Gatotkaca, Pharsa, Roger, Franco, Valir, Aldous

[Pagbabago sa Skin Shop]
Aming pansamantalang tatanggalin ang lahat ng skin ni Vexana, Leomord, at Faramis sa shop.






1. Nais naming tulungan ang mga Jungler na mas maasikaso ang jungle invasion, lalong-lalo na kung ang invader ay kayang i-knock o higitin ang creeps mula sa leash range.

Bagong Effect: Kapag lumabas sa leash range sa unang pagkakataon, ang creep ay makakatanggap ng 50% ekstra na Movement Speed hanggang sa makabalik ito sa range.

Bagong Effect: Pagkatapos bumalik sa range, ang creep ay titigil sa pagrecover ng HP at babalik muli sa battle state sa pagtanggap muli ng damage (Sa unang pagkakataon lamang).

(Ang mga effects sa itaas ay valid lamang sa Orange at Purple Buff).

2. In-apply muli ang pagbabago sa minion rewards na natatanggap ng Junglers sa unang 5 minuto.

3. In-apply uli ang pagbabago sa mid-lane minion waves.






[Talent System]

Ang Talent System ay binubuo ng mga sumusunod na apat na seksyon:

1 – Fixed Attributes: Ang bawat set ng fixed attribute ay binubuo ng 4 na attribute na hindi maaring mabago, tulad ng mga attributes ng Wheel sa kalahating kanang bahagi ng kasalukuyang Emblem screen. Ang magkakaibang set ay mavi-visualize bilang magkakaibang weapon, na magre-representa ng innate fighting abilities ng bawat bayani. Ang bawat weapon ay maaring magpalit sa 4 na magkakaibang form ayon sa selected talents (pansamantalang pinalitan ng imahe).

2 – Core Talents: Ang Core talents ay may pinakamalakas na effect na hinati sa tatlong sub-type: Offensive, Defensive, at Utility. Ang Core talents ay tulad sa Tier 3 talents sa kasalukuyang emblem system, kahit na wala namang points allocation na kinakailangan.

3 – Regular Skill Talents: Ang Regular skill talents ay may mas mahina na effect kumpara sa core talents, at halos lahat ay may specific na trigger condition. Tulad sa core talents, sila din ay hinati sa tatlong sub-type na Offensive, Defensive, at Utility.

4 – Regular Attribute Talents: Ang Regular attribute talents ay may katulad na enhancement effects sa regular na skill talents at nagbibigay ng single attribute sa bawat isa. Sila din ay hinati sa tatlong sub-type: Offensive, Defensive, at Utility.


Ang mekanismo sap ag-upgrade ay ang sumusunod:

1. Ang system level ay dumadagdag sa account level, habang unti-unting inuunlock ang tatlong talent slots sa three talent plans ng bawat bayani.

2. Ang level ng fixed attributes ay dumadagdag sa system level at hindi nangangailangan ng halaga.

3. Ang talents na ayon sa tatlong talent slots ay kailangan i-unlock gamit ang Talent Essence sa unang beses na i-unlock ang mga slots.

4. May dalawang paraan para i-unlock ang talents: Ang total Talent Essence cost ay parehas, kahit na ang bilang ng talents ay maaring i-activate (sa pamamagitan ng pangalawang opsyon) ay magiging limitado pagkatapos ng opisyal na paglabas. Ang limit ay hindi aplikado sa test.

Option 1: Diretsong bilihin ang talent gamit ang malaking bilang ng Talent Essence, pagkatapos ay magkakaroon ng unlimited access sa talent.

Option 2: I-activate ang talent gamit ang maunting bilang ng Talent Essence, na pagkatapos ay kailangan magbayad ng ilang halaga ng Talent Essence upang magamit ito sa bawat match. Ang talent ay permanenteng mabubuksan kapag nakagamit ng kailangan na bilang sa paggamit nito. Aasahan namin na ang Option 2 ay magbibigay sa mga bagong player na pagkakataong subukan ang iba pang talents pagkatapos pumasok sa laro.





1. Inayos ang isyu kung saan si Melissa ay hindi ma-trigger ang effects ng Golden Staff.

2. In-optimize ang control experience ng Basic Attack ni Wanwan: Kahit na walang target, si Wanwan ay kayang mag-cast ng Basic Attacks para ma-trigger ang talon.

3. In-improve ang visual quality ng in-match scoreboard at iba pang interface.

• Mobile Legends: Bang Bang





Sign up now, Make more friends, Enjoy with more features, Let you easily Fun Community.

You have to Login for download or view attachment(s). No Account? Register

x
You have to log in before you can reply Login | Register now.

Points Rules

Mobile Phone Version|Dark Room|Mobile Legends: Bang Bang Official Forum

2022-12-10 07:13 AM GMT+8

Powered by Discuz! X3.4

© 2001-2013 Comsenz Inc.

Quick Reply To Top Return to the list